Thursday, March 15, 2012

10 Things You Should Not Do While Your in Davao City

10 Things You Should Not Do While Your in Davao City , Philippines

1. Drug Trafficking- Davao city is famed for its anti -drug trafficking campaign lead by the city Mayor Rodrigo Duterte. The city also has been in the center of controversy with series of killings by men riding in motorcycles (Known as DDS or Davao Death Squad) ,whose primary targets are notorious criminals engaged in selling/ drugs and other illegal activities . For this reason, Davao has long been “peaceful’’ and criminal free, in general and drug free or less in illegal drugs activities. So, if you want to visit or transfer to Davao, drug trafficking is a suicide. You don’t want to be executed by those men, right? Trusts me, most people here hate drugs.

2. Smoking-Comprehensive Anti-Smoking Ordinance of Davao City (Republic act 9211-Tobacco regulation ) was fully implemented in 2002.All promotional advertisements are banned for posting in all stores and malls. This also prohibits smoking in public places like cafeterias and jeepneys, PUJ, bars and restaurants, etc. Davao city is really striving to be a health-oriented city. No wonder, it stood up to the reputation as one of Asia’s most livable city.

3. Littering-Because Davao city residents wants to preserve cleanliness, LGU Davao has approved the anti-littering ordinance. This is known as ,Ordinance 105 stating , "an ordinance penalizing the act of littering, scattering, or any careless disposal of waste materials, refuse and other unsanitary things on streets, parks, public buildings and other places in the city." This ordinance will actually work if the tourist and citizens will cooperate.

4. Spitting-The ordinance bans spitting in malls, restaurants, public transportations, parks and other public places. It was approved on August 25, 2009. Penalties consist of P100 for first offense, P200 for second offense, and P300 for the third offense or a subsidiary imprisonment not exceeding six months, or both fine and imprisonment upon the discretion of the court.

5. Fast Driving -Over speeding is prohibited in Davao city when driving vehicles such as buses, jeepneys, car or motorcycle, etc. Drag racing has been very popular at night in the streets of Davao  ,and over speeding has been relentless. There are various vehicular accidents happens due to over speeding ,and it caused several fatalities and casualties. As a result, strictmeasures in terms of speeding are observed.

6. Carrying an Unlicensed Gun, Knives, and other deadly weapons-City council  and into the baranggay level also passed this  law to prevent criminality in the city.

7. Carrying Explosives Ingredients and other Paraphernalia-This is a response to terrorism threats from neighboring places in Mindanao. Bombing incident happen in March 4, 2004 at Davao international airport has triggered Davao city to employ many law enforces and policeman for   strict surveillance and security. In and out of the city has been guarded by the task force Davao(a battalion of military men specially organized to facilitate check points and watch security for the city.).

8. Selling Foods With Magic Sugar –Streets foods and drinks that usesmagic sugar (also known as Neotogen ) had been banned in the streets of Davao city . Duterte was alarmed due to the BFAD’s report that magic sugars is still being used in Davao . It is concluded that magic sugars frequently used as sweeteners in drinks and snacks sold outside schools cause cancer.

9. Riding Motorcycle Without Safety Gears like Helmet, Etc. -Land transportation Office check points are always visible here. Even if you are a highly respected government official or whoever you are, if you violate LTO safety rules, you’ll be caught and issued a ticket from the agency. Just like what happened to Mayor Duterte, even if he is a very influential person here in Davao. He was still apprehended by the LTO officers. This only shows that government policies and regulations are not always biased.

10. Joining in Gang and Illegal groups -To be able to control the minors that have been involved  in frequent riots and gang war, LGU Davao has implemented a curfew hour to all minors .This means at 10:00 PM, minors are not allowed to roam in the streets.

Important Update: 

And also one thing, firecrackers are banned in Davao city since 2001.That's why you can't hear any exploding  sound of firecrackers during the  Christmas seasons or every  new year.If you will be caught with the possession of firecrackers,regardless of nationality, you will be  persecuted.The city made this ordinance to prevent  casualties brought by firecrackers. Please keep this in mind people especially tourists.Davao is not a  regular city ,law is strictly followed here.

I hope this information will help you in traveling in Davao city.

Friday, March 9, 2012

Tips On How To Spot A Scammer

Proper information dissemination is another and it is the purpose of this topic.

There are 4 major types of scams that we observe:

1. Gadget scams - selling gadgets like TVs, games consoles and cellphones in very low price. They even sell items that are not yet available in the market.

2. Pet scams - posting pets for adoption and asking the victim to only pay for the shipping fee. Free pets in short (but the shipping fee is not)

3. Lending scams - they lend money to anyone with very fast processing.

4. Buying scam wherein the scammer will post a message to an existing advertisement that they have a son or daughter residing in another country and they wanted to buy your item. They even post their scam message to those "Wanted to Buy" advertisements showing that they do not even try to read and understand what the advertisement is about.

So how can you distinguish a scam advertisement:

1. If the price of the item is too good to be true. Nirerekomenda po namin na mas maging maingat at mag-exert ng effort para magresearch tungkol sa advertisement pati ang Ad Owner if you intend to proceed with any transaction.

2. If the transaction will be done online (i.e. buyer pays and then seller ships the item without meeting each other) and the seller is willing that you pay 50% of the item first and then pay the remaining after you receive the item. Walang totoong seller ang sasang-ayon dito.

3. If a company name is posted in the advertisement, hanapin ang company nito sa Google. If the company really exists, more or less you can get some information about it in the internet. But be careful and be more resourceful as some scammers use the name of existing companies. Kung makikita nyo ang Company Website, i-check kung ang Advertisement na pinost ay parte ng kanilang product list or services. And to be sure, contact the company using the contact information posted.

4. If the advertisement owner is asking you to pay using Western Union, Moneygram or any money wire service. There is NO tracking in these payment schemes.

5. Take note that fake cashier checks and money orders are common so be careful with transactions involving them.

6. Inquiry from someone who is from another country and the cost of shipping the item is ridiculous if you compare it with the price of the item.

7. Walang kakayahan at tinatanggihan ang offer na magkita kayo in person kahit pa napakalapit lang ng lugar na pagmi-meetingan.

99% of the time, you can avoid being scammed if you can DEAL LOCALLY WITH MEMBERS YOU CAN MEET IN PERSON!

Mag-ingat po tayong lahat sa mga Scammers.
Kasi sa totoo lang, kahit na ang mga may magandang layunin sa tao ay naapektuhan dahil sa maling bintang.

Dapat po nating malaman kung alin ang Scam at Hindi, kung ano ang totoo.

WALANG PANGINOON ni Deogracias Rosario


ni Deogracias Rosario

Nang makita ni Marcos sa kanilang lumang orasan na ang mahabang hintuturo ay malapit nang sumapit sa ika-12 samantalang nakapako na sa ika-8 ang maikling daliri, hindi niya malaman kung saan siya magtutungo. Isiniksik niya ang kanyang ulo kahi't saan. Saka ang dalawa niyang hintuturo ay ipinapasak sa mga butas ng kanyang tainga. Ayaw niyang marinig ang animas. Ayaw niyang mapakinggan ang malungkot na palo ng bakal sa malaking kampanang tanso sa kampanaryo ng simbahan sa kanilang bayan. Gayon man, kahi't saan siya magsiksik, kahi't saan siya magtago, kahi't na anong gawin niyang pagpapasak sa kanyang tainga ay lalong nanunuot sa kanyang pandinig ang malungkot na tinig ng batingaw.

"Tapos na ba?" Tapos... ang sunud-sunod namang itinutugon ng kanyang ina na paniwalang-paniwala hindi nga niya naririnig ang malungkot na animas.

"Ngunit, Marcos…" ang baling uli ng matandang babae sa anak. "Bakit ayaw mong marinig ang oras na ukol sa kaluluwa? Iya'y nagpapagunita sa mga tao na dapat mag-ukol ng dalangin sa ikaluluwalhati ng mga kaluluwang nasa kabilang buhay. Una-una'y ang iyong ama, ikalawa'y ang kapatid mong panganay, ikatlo'y ang kapatid mong bunso, saka… saka si Anita." Ang huling pangalan ay binigkas na marahan at madalang ng matandang babae.

Si Marcos ay hindi kumibo. Samantalang pinapangaralan siya ng kanyang ina, ang mga mata niyang galling sa pagkapikit kaya't nanlabo pa't walang ilaw ay dahan-dahang sinisiputan ng ningas, saka manlilisik at mag-aapoy.

Hindi rin siya sumasagot. Hindi rin siya nagsasalita. Subali't sa kanyang sarili, sa kanyang dibdib, sa kanyang kaluluwa ay may pangungusap, may nagsasalita.

"Dahil din sa kanila, lalung-lalo na kay Anita, ayaw kong marinig ang malungkot na tunog ng batingaw," ang sinasabi ni Marcos sa sarili. Kinagat niya ang kanyang labi hanggang sa dumugo upang huwag ipahalata sa ina ang pagkuyom ng kanyang damdamin.

Akala ng ina'y nahuhulaan niya kung ano ang nasa loob ni Marcos. Sa wari ng matanda ay nababasa niya sa mga mata ng anak ang lihim ng puso nito. Naiisip niyang kaya nalulungkot si Marcos ay sapagka't hindi pa natatagalang namatay si Anita. Ang magandang anak ni Don Teong, mayamang may-ari ng lupa nilang binubuwisan. Nalalaman ng ina ni Marcos na lahat ng pagsisikap nito sa bukid, lahat ng pag-iimpok na ginagawa upang maging isang ulirang anakpawis ay ukol kay Anita. At siya'y namatay! Naramdaman din ng ina ni Marcos kung gaano kakirot ngang maging malungkutin ang kanyang anak. Ito ay kanyang ibig libangin. Ito ay nais niyang aliwin. Kung maaari sana'y mabunutan niya ng tinik na subyang sa dibdib ang kanyang anak.

"Lumakad ka na Marcos, sa kubo nina Bastian. Tila may belasyon sila, o, baka kailanganin ang mabuting mang-aawit at manunugtog ng gitara," ang sabi ng ina. "Walang pagsalang masasayahan ka roon."

"Si Inang naman," ang naibulalas na lamang ni Marcos. Iyan lamang ang kanyang nasasabi nang malakas. Sa kanyang sarili'y naidugtong niya na hindi masusukat ng kanyang ina kung gaano ang pait para sa kanya ang pagkamatay ni Anita, palibhasa'y lingid sa kaalaman ng matanda ang tunay na nangyari sa pagkamatay nito.

Kung nalalaman lamang ni Inang ang lahat, ang nasasabi niya uli sa kanyang sarili samantalang minamasdan niya ang isang ulilang bituin sa may tapat ng libingan ng kanilang bayan, na ipinapalagay niyang kaluluwa ni Anita, "disi'y hindi ako itataboy sa kasayahan."

Pinag-uusapan pa lamang ng mag-ina nang umagang yaon ang malaki nilang kapalaran sapagka't mabuti ang lagay ng tanim nilang palay nang isang utusan sa bahay-pamahalaan ang dumating taglay ang utos ng hukumang sila'y pinaaalis sa kanilang lupang kinatatayuan. Sinasamsam ni Don Teong na ama ni Anita ang lahat ng lupa nilang sinasaka.

"Inang, matalim ba ang itak ko?" ang unang naitanong ng anak sa ina matapos matunghayan ang utos ng hukuman.

"Anak ko!" ang palahaw na pananangis ng matandang babae, sabay lapit sa leeg ng anak. "Bakit ka mag-iisip nang gayon, sa tayo na lamang dalawa ang nabubuhay sa daigdig?"

Ang tinig ng matanda ay nakapagpalubag ng kalooban ng binata. Gayon man, sa harap ng bagong pithaya ng may-ari ng lupang kanilang binubuwisan, ay isa-isang nagbabalik sa alaala niya ang malungkot na kasaysayan ng kanilang lupang sinasaka.

Ang sabi'y talagang sa kanunu-nunuan ng kanyang ama ang naturang lupa. Walang sino mang sumisingil sa kanila ng buwis at walang sinumang nakikialam sa anumang maging bunga ng kanilang mga tanim, maging mais o tubo, o kaya'y maging anuman sa mga gulay na tanim nila sa bakuran.

Subali't nang bata pa ang kanyang ama ay may nagsukat ng lupa sa sinsabing kanila. Palibhasa'y wala silang maibabayad sa manananggol, ang pamahalaan ay nagkulang ng malasakit sa kanilang karalitaan upang tangkilikin ang kanilang katwiran at karapatan. Sa wakas ay napilit silang mamuwisan nang di nila makuhang umalis doon.

Noong bata pa si Marcos, ang bayad nila'y isang salapi lamang isang taon sa bawat ektarya ng lupang kanilang sinasaka. Subalit nagtatagal, unti-unti na silang nababaon sa pagkakautang sa maylupa dahil sa mga kasunduang ipinapasok sa pana-panahon, ..:namespace prefix = st1 ns = "urn:schemas-microsoft-com:office:smarttags" />gaya ng takipan at talinduwa.

Kaya namatay ang ama ni Marcos ay dahil sa malaking sama ng loob kay Don Teong. Ang kapatid niya'y namatay din sa paglilingkod sa bahay nito, at higit sa lahat, nalaman niyang kaya namatay si Anita ay sapagka't natutop ng ama nakipagtagpo minsan sa kanya sa loob ng halamanan, isang gabing maliwanag ang buwan.

Saka ngayo'y paalisin naman sila sa kanilang bahay at lupang binubuwisan?
Si Anita ay lihim na naging kasintahan ni Marcos, mahigit nang isang taon noon. Sapul nang dumating si Anita sa kanilang bayan buhat sa pag-aaral sa isang kolehiyo ng mga madre sa Maynila, si Marcos ay nagsimpan na ng malaking pag-ibig sa kanya. Alam ni Marcos ang kanyang kalagayan na halos ay lumaki sa ibabaw ng kalabaw at sa pagtikin sa kanilang damo sa ilog.

Si Marcos ay natapos lamang ng katesismo sa iskuwelahan na silong ng kumbento sa kanilang bayan at natutong sumulat sa pisara ng malaking numero. Nguni't gayon man, nagsikap siyang idilat ang kanyang mga mata sa liwanag ng kabihasnan at pagkaunlad. Katutubo kay Marcos ang hilig sa pagkatuto sapagaka't sa pag-anib niya sa mga samahang pambayan ay natuklasan niyang walang mabuting paaralan kundi ang pahayagan. Walang aklat, walang pahayagan at lingguhan sa sariling wika na hindi binabasa ni Marcos, kahi't manghiram lamang kung wala na siyang ibili. Nagbasa rin siya ng nobela at ibang akdang natutuhan niya sa wikang Tagalog o kaya'y salinwikang nito.

Lalo na nang magsimpan siya ng pag-ibig kay Anita, wala siyang inaalagata sa kanyang buhay kundi ang baling araw ay maging karapat-dapat sa mga kamay ng anak ni Don Teong na may-ari ng lupa nilang sinasaka. Isa pa'y bukod sa naniniwala siya sa kasabihan, "Ang lahat ng tao, kahi't hindi magkakakulay ay sadyang magkakapantay," tinatanggap din niya ang palasak ng kawikaang "Ang katapat ng langit ay pusalian." Dahil diyan kaya kahi't bahagya ay hindi siya nag-atubili ng pagsisimpan ng pag-ibig kay Anita.

At naiibig naman siya ng anak ni Don Teong. Bakit hindi siya maiibig? Minsan si Anita ay namangka sa kanilang ilog, gumiwang ang bangka at nahulog sa tubig. Si Marcos noon ay nasa lamo at lihim niyang sinusundan ang bakas sa tubig ni Anita. Nang makita niya ang malaking sakuna ay lumundag siya sa ilog ata sa pamamagitan ng langoy na hampas-tikin ay inabot niya si Anita na kumakamot sa ilalim ng ilog. Matapos niyang kalawitin ng kaliwa niyang bisiig sa may baba ang dalaga ay bigla niyang isinikdaw ang dalawa niyang paa sa ilalim kaya't pumaibabaw sila, at sa tulong ng pagkampay ng kanyang kamay at pagsikad ng dalawa niyang paa ay nakasapit sila sa pampang.

"Marcos, matagal na naman kitang iniibig," ang pagtatapat ni Anita sa binata, makaraan ang may ilang buwan buhat nang siya'y mailigtas.

Tatlumpung araw ang taning sa mag-ina upang lisanin ang lupang gayong ang sabi ay ari ng kanilang ninuno at binubuwisan na nila at sinasamsam pa ngayon. At saka silang mag-ina ay itinataboy. Sino ang hindi magdadalang-poot sa gayong kabuktutan.
Dahil sa kanyang ina, natutong magtiim si Marcos ng kanyang mga bagang. Kinagat niya ang kanyang mga labi upang huwag mabulalas ang kanyang galit. Kinuyom niya ang kanyang mga kamay hanggang matimo sa palad niya ang kanyang mga kuko.

Isang takipsilim nang marinig niya sa kampanaryo ng kanilang simbahan ang malungkot na agunyas. Una muna ang malaking kampana saka sumunod ang maliit. Bang! Teng! Bang! Teng! Babae ang nalagutan ng hinihinga. Maliit naman ang kanilang bayan upang malihim pa kung sino ang binawian ng buhay. Wala siyang nalalaman na may sakit kundi si Anita. Dahil sa pagkatutop sa kanila isang gabi, ang dalaga ay sinaktang mabuti ng ayon sa nagbalita kay Marcos ay mata lamang ang walang latay.

Buhat noon ay nagkasakit na si Anita. Araw-araw ay tumatanggap si Marcos ng balita. At nang tangkain niyang dumalaw minsan ay hinarang siya ni Don Teong na may hawak na rebolber. Susuong din sana si Marcos, subalit nagdalawang-loob siya. Maaaring maging dahilan iyon ng bigla pang pagkamatay ng kanyang iniibig, bukod sa magiging subyang sa kanyang ina kung siya ay mawawala.

Ang huling dagok na ito sa kanya ni Don Teong ay isinaman na lamang niya sa talaan ng pagmamalupit sa kanya ng mayamang may-ari ng lupa nilang binubuwisan, pag-agaw ng lupa sa kanila. At saka noo'y pagtatangka pa sa kanyang buhay. Pinakahuli nga ang pagkamatay nang tuluyan ni Anita, na ayon sa balita niya'y nalagutan ng hiningang siya ang tinatawag. Saka nitong huli ay pagpapaalis sa kanilang lupang kinagisnan at pinagyaman sa tulo ng kanilang pawis na mag-anak.

Ngunit si Marcos, isang manggagawang hubog sa palihan ng bagong panahon, lumaki ang puso sa mga pagtitiis. Naging maluwag nga ang kanyang dibdib sa pagtanggap ng pang-aapi ng may-lupa. Hanggang noong bago mamatay si Anita, akala niya'y maaari pa siyang makalunok ng bagong pag-upasala ng itinuturing niyang panginoon. Datapwat nang tanggapin niya ang utos ng hukuman na pinaalis sila roon, talagang nagdilim ang kanyang isip. Noon pa'y naisip na niyang gawing batas ang kanyang kamay, yamang hindi na niya matatamo ang katarungan sa hukuman ng mga tao.

"Huminahon ka anak ko," ang sabi ng kanyang ina. "Hindi natutulog ang Bathala sa mga maliliit. Magtiis tayo."

Hindi niya itinuloy ang paghanap sa kanyang itak na matalas. Pagkakain niya ng agahan, nilibang niya ang kanyang ina saka lumabas sa bukid. Gaya rin ng dati'y sinakyan niya ang kanyang kalabaw na lalong mahal niya sa lahat sa limang alaga niya. Lumabas siya sa bukid at hinampas niya ng tanaw ang karagatan ng namumulang ginto. Pagdaramdam at panghihinayang ang ngumatngat sa kanyang puso. Gaanong pagod ang kanyang pinuhunan upang ang palay nila'y magbungang mabuti? Saka ngayo'y pakikinabangan at matutungo lamang sa ibang kamay.

Napapalatak si Marcos sa ibabaw ng kanyang kalabaw. Ibig mang pagdiliman ang isip kung nagugunita ang utos ng hukuman, ang alaala naman ng kanyang ina'y walang iniwan sa bahagharing sumusugpo sa nagbabalang unos. Dadalawa na lamang sila sa daigdig at ayaw niyang pabayaan ang kanyang ina; ipinangako niyang hahandugan ng kaligayahan ang nalalabing buhay nito, bago malagutan ng hininga ang kanyang ama.

Dahil nga sa kanyang ina, kaya naisip niya ang kabutihan kung sila'y magsasarili: "Tutungo sa hilaga at kukuha ng homestad. Kakasundo ng mga bagong magsasaka; paris ni Don Teong, kailangang magkaroon din ako ng gayak paris niya."

Kabalintunaan man ang sinabi ng anak ay hindi na nag-usisa ang ina palibhasa'y nababatid niyang sa dibdib ng binata ay may isang halimaw na natutulog na hindi dapat gambalain upang huwag magising. Wala siyang nalalaman kundi tuwing takipsilim, kung nakaligpit na ang mga tao sa nayon ang buong kagayakan ay isinusuot ng kanyang anak saka lumalabas sa bukid. May dalawang linggong gayon nang gayon ang ginagawa, hanggang isang araw ay tawagan siya ng pansin ng matanda.

"Marcos," sabi ng matanda. "Dalawang lingo na lamang ang natitira sa ating taning ay hindi mo ginagawa ang pakikipagtuos kay Don Teong… kung may magiging sukli man lamang tayo sa ating ani ngayon?"

"Huwag ka pong mabahala, Inang," sabi ng mabait na anak. "Nalaglag po ang dahon sa kanyang kapanahunan."

Talinghaga na naman ang sinabi ni Marcos. Gayon man may nagunita siyang isang bagay na ibig niyang malaman sa anak.

"Bakit hindi mo iniuwi ang kalabaw sa bakuran?" Tinutukoy niya ang kalabaw na mahal na mahal sa lahat ni Marcos.
Maaaring magpakahinahon si Marcos, subali't ang huling kapasiyahan ni Don Teong ay namukaw ng lahat ng kanyang pagtitimpi. Ayaw niyang gumamit ng dahas, subalit…

Nagunita niya ang sinabi ni Rizal. "Walang mang-aalipin kung walang magpapaalipin." Napailing siya sa harap ng gayong masaklap na katotohanan. Patung-patong na ang ginagawang pamamaslang sa kanya ni Don Teong – takalang dapat nang kalusin. Nagunita rin ni Marcos ang marami pang ibang kasama, katulad din niya, na sa kamay ng mayamang si Don Teong ay walang iniwan sa mga leeg na manok na unti-unting sinasakal hanggang makitil ang hininga sa hangad na mahamig na lahat ang kayamanang gayong minana sa kanilang mga ninuno ay iba ngayon ang may-ari at nagbubuwis pa.

"Kailangang maputol ang kalupitang ito!" Ang tila pagsumpa sa harap ng katalagahang ginawa ni Marcos.
"Bakit ka bumili ng pulinas, gora, suwiter, at latigo, anak ko?" ang tanong ng matanda kay Marcos, isang araw na dumating siyang pagod na pagod sa naturang dala-dalahan.

"Inihahanda ko po iyon sa pagiging panginoon natin, paris ni Don Teong," ang nakatawang sagot ng anak. "Kung tayo po'y nakaalis na rito, tayo'y magiging malaya," ang tila wala sa loob na tugon ng anak.

Ang totoo, ang naturang kalabaw ni Marcos ay nakapugal sa hanggahan ng lupang sarili ni Don Teong. Kung takipsilim ay isinusuot na lahat ni Marcos ang pulinas, ang gora, at ang suwiter, saka dala ang latigong katulad ng pamalo ni Don Teong. Pagdating niya sa pook na kinapupugalan ay saka aasbaran ng palo ang kalabaw hanggang sa ito'y umuungol na ang alingawngaw ay abot hanggang sa kalagitnaan ng bayan. Kung dumating siya'y dinaratnan niya ang kanyang inang matuwid ang pagkakaluhod sa harap ng isang maitim na Santo Kristo sa kanilang silid na naiilawan ng isang malaking kandila.

"Salamat, anak ko, at dumating ka," ang sasabihin na lamang ng matanda. "Akala ko'y napahamak ka na."

Si Don Teong ay may ugaling maglibot tuwing hapon sa paligid-ligid ng kanyang lupa. Ang ipinanganganib ng ina ni Marcos ay baka magkasalubong ito at ang kanilang panginoon, ay hindi makapagpigil ang isa't isa. Nalalaman din ng matandang babae na laging may dalang rebolber sa baywang ang mayamang asendero buhat nang magkaroon ng alitan dahil sa lupa, kaya lagi niyang inaalaala ang pag-alis-alis ni Marcos.

Subalit isang hapon, samantalang payapang inihahanda ng mag-ina ang kanilang pag-alis, walang iniwan sa putok ng bulkan ang balitang kumalat sa bayan na si Don Teong ay namatay sa pagkasuwag ng kalabaw. Sinabi ng mga nakakita na pagkakita pa lamang ng kalabaw kay Don Teong ay tila may sinumpang galit sapagka't bigla na lamang sinibad ang matanda at nasapol ang kalamnan ng sikmura ng matulis na sungay ng hayop. Pagkasikwat sa katawan ng asendero ay tumilapon pa sa itaas at paglagpak ay sinalo naman ng kabilang sungay.

Ang katawan ni Don Teong ay halos lasug-lasog nang iuwi sa bayan, wasak ang suwiter sa katawan at saka ang pulinas. Kumilos agad ang maykapangyarihan upang gumawa ng kailangan pagsisiyasat subali't ang lahat ng matuwid ay nawalan ng halaga sa hindi kumikilos na ayos ng kalabaw na animo'y wala sa loob ang ginawa niyang napakalaking pagkakasala.

Nang malamang kay Marcos ang kalabaw, bawat isa'y nagkatinginan. Hindi nila malaman kung papaanong ang poot ni Marcos kay Don Teong ay nagtungo sa alaga niyang hayop.

Si Marcos ay nakatingin din sa orasan nang gabing yaon. Tatlong minuto na lamang ang kulang sa ika-8 ng gabi. Hindi siya gumagalaw, hindi siya nababahala.

Tumugtog ang animas. Hindi na gaya ng dating ayaw niyang marinig ito. Sa halip na idalangin, ang kaluluwa ng mga namatay, ang naisip niya'y ang matapang niyang kalabaw.

"Mapalad na hayop na walang panginoon," ang kanyang naibulong.

Dugo at Utak ni Cornelio S. Reyes

Dugo at Utak

Akda ni Cornelio S. Reyes

Isang iglap na pagitan ng buhay at kamatayan. Isang iglap mula sa pag-igkas ng mabilis na kableng gabisig at sa paghampas nito sa bungo ni Korbo. Isang iglap ng abot-langit na sigaw ng pagtutol ng kanyang utak na sa loob ng isang iglap ding yaon ay pira-pirasong nakalat sa lapag ng ikiran ng balot-bakal n kable.

Ang utak ang kalaban ng aking mga pangarap, ang buong aklat ng aking buhay. At doo’y lagi kong iniingatang huwag muling mabuklat ang mga dahon ng aking mga kalungkutan.

Ang utak, ang mga matang nakamalas ng iyong kagandahan, ang mga taingang nakarinig ng mga pagtatapat ng iyong pag-ibig, ang mga ilong na nakasamyo ng iyong bango, ang mga labing nakadama ng init ng iyong mga labi. Ang utak ang mga bisig na ng tuturo sa iyo sa sutlang hiligan sa tapat ng aking puso at nagbuhol sa ating dalawang katawan upang tayo’y maging kaisa ng lupa at langit , ng mga bituin at ng santinakpan.

Isang iglap, at ang nasambulat na dugo at pira-pirasong malagkit, malambot at abuhing ay mga bagay na wala nang kahulugan. Kalat na wawalisin at itatapon sa tapunan ng mga dumi.

Sa isang iglap, mula nang nakita ni Korbo ang pag-igkas ng kableng may dalang kamatayan para sa kanya at hanggang sa yao’y kanyang madama, ay isang kidlat ng pagtututol ng kanyang buong pagkatao ang gumuhit sa kanyang utak. Isang iglap at parang kislap ng gumuhit at nahalo sa kanyang utak ang ligaya, ang lungkot, si Karelia, ang inangkin niyang anak, si Dando, upang magwakas ang lahat sa isang maapiy at nakakabulag na liwanag.

Huwag! Hintay, Maginoong Kable. Ito’y hindi nararapat! Ito’y walang katarungan!
Hindi malalao’t parururok na ang araw. Napapaso ang init.
Walang namamalas kundi ang malayong abot ng karagatan sa bawa’t panig, ang wari’y maninipis na anino ng di-maabot-tanaw na ilang pulo, ang bughaw na langit, ang pilak na alapaap.

Mabanayad na nililikom ng babor-kable Apo, ang mga sirang kable sa kailaliman ng dagat upang ayusin yaon at muling itatag, at nang muling magkaugnay ang mga lungsod Maynila, ng Sebu, ng Iloilo, ng Zamboanga, upang muling ihinang ng pag-uunawaan ang mga pulo.

At ang kable’y mabanyad na hinihila ng makina sa ibabaw ng kubyerta at inihuhulog sa kailaliman, sa dilim ng tiyan ng bapor.

Dalawampu sila sa dilim ng malalim na balon-tangkeng ikiran ng kable. Dalawampu sila, at isa-isa, hali-halili, pagdating ng bawa’t takda ay lumalapit sila na gaya ng isang panata sa walang patid na dating ng gabisig at balot-bakal na kable. At ang bangis nito, ay tigas at bigat, ang matutol sa pag-igkas at paghampas na may dalang kapangyarihang lumuray at magwasak sa bawa’t tamaan ay sinusupil nila ng kanilang dalawang bisig at iniikid hanggang sa yao’y maamong mailapag at mabanayad na maiayos sa ikiran ng kanilang tinatapakan.

At ang kanilang isa-isang paglapit sa kable at walang patid na payukod na pagligid sa tangkeng yaon ng kadiliman ay waring isang pagsamba sa isang mahiwagang Bathala.
Dalawampu sila,at ang galit na laman ng kanilang mga bisig, katawan at hita ay masakit ay halos pumutok sa walng hintong pagtutol sa hapo. Ang kanilang mga baga ay halos napupunit sa walang humpay na paghingi ng hangin at hanging waring walang kasapatan.

Samantala, ang kanilang mga kamay na mahigpit n ikinakapit sa kable ay maga sa dugo ng maraming sugat n ulit-ulit na hinihiwa ng mga talaba sa balat ng kable. At ang mga sugat na yaon ay sumisigaw sa hapdi at kati ng sarisaring lasong nagmumula sa ilalim ng dagat.

Pagkatapos ng turno ni Korbo ay sabik na minalas niya ang parisukat na piraso ng langit na nakikita mula sa siwang sa kubyerta na pinagmumulan ng walng patid na dating ng kable. Ang kaluluwa niyang kaluluwa ng isang pintor ay uhaw n umiinom sa piraso ng langit na yaon na siyang tanging kagandahan sa dilim ng libingan ng ikiran.

Dalwang lingo nang hndi lumalapit ang bapor-kable Apo sa lupa at dalwang lingo nang si Korbo at ng kanyang mga kasama ay namamahay sa ilalim ng kubyerta.
Dalawang lingo sa dilim at sa pagtutol ng katawan at kaluluwa sa pagkaalipin sa kable. Dalawang linggong kasinghaba ng dalawang dantaon.

Natatakot ako na baka hindi n marunong gumuhit ang aking kamay.
Natatakot akong nalimot ko na ang kulay ng mga halaman at mga bulaklak, ang kulay ng dagat, ang kulay ng lupa. Natatakot akong nalimot ko na ang mga damdam ng init ng araw sa aking katawan, ang damdam ng hanging sa aking mukha at sa aking buhok.

Pumitpitlag ang aking puso sa kaba nab aka hindi ko na kilala ang iyong kagandahan, ang dama ng iyong labi sa aking mga labi.

Paano’y kung mawawala ang lahat ng kagandahang ito at mamatay ang kaluluwa at hindi na muling guguhit pa ana aking mga kamay. At ang buhay ay magiging isang tunay na
Sa wakas ay dumaong din ang bapor-kable Apo.
At aang kalawakan ng langit ay hinigop ng uhaw na kaluluwa ni Korbo na matagl ding nagtiis sa kapirasong dulot ng siwang sa kubyerta.
At sa isang tindahan ay maluwat niyang minamalas n nagingiti ang isang kuwintas na may palawitn isang maliit at mahiwagang Bathala na di niya kilala.
“Magkano po?” ang tanong sa lumapit na tao ng tindahan.
Sinabi sa kanya ang halaga.
“Kung may sapat lamang akong ibabayad,” ang sabi ni Korbo.
“Iyan po ay hubog sa lantay nag into. Hindi mahal.”
Tuluyang natuwa si Korbo.

“Kasasabikan po iyan ni Karelia,” ang kanyang sabi. At nang mamalas ang hindi pagkaunawa sa mata ng kausap: “Ang akin pong asawa ay mahilig sa pagtitipon ng maliliit na ikit ng iba’t ibang Bathala. At hindi po ba makikiliti ang madilat ay mahiwagang mga mata ng maliit na Bathalang iyan na wari bagang ibig saklawin sa isang tinig ang lahat nang namamalas sa buong santinakpan?”
Ang nagtitinda naman ang napangiti. Nakatatawa ang namimiling ito. Ano ang ibig sabihin? 

Nasa ginto lamang ang halaga ng kuwintas na yaon. Pangit na pangit ang palawit.
“alang-alang sa kakatuwang ugali ng inyong asawa, sa kalahati lamang ng talagang halaga‘y ibibigay ko na sa inyo.”

Binilang ni Korbo sa isip ang laman nag kanyang lukbutan.
“Balutin lamang ninyo agad bago ako makapag-bagong isip.”
Walng anuman, ang sabi sa sarili. Matutuwa naman si Karelia sa pasalubong na yaon.
Pagkatapos maihanda ang lahat at pagkatapos idugtong sa dalampasigan ang unang dulo ng naayos na kable, ang babor-kable Apo ay mabanayad na naglayag sa “paglalatag” tungo sa kabilang pulo.
Pagkatapos ng “paglalatag” ay babalik na sa Maynila ang bapor.
Banay-banay at maingat ang paglalayag sapagka’t kailangang bagayan ang makina ang kubyerta n humihila sa kable mula sa tiyan ng bapor at nagtutulak doon sa karagatan.
Ang lahat ng babala sa panganib ay nahanda. Ang tatlong putol-putol na babala ay nangangahulugang dapat ihinto ang lahat ng makina.
Dalawampu sila sa tangke ng ikiran. At bawa’t isa’y maingat na umaalalay sa kableng hinihila ngayon sa itaas mula sa lapag na kanilang tinatapakan.
At apatnapung mata ang nakahinang sa bawa’t tabo ng paitaas na lubid na bakal.
Ngunit mayroong nagkamali, mayroong nagtamad noong una sa pag-iikid pa lamang ng kableng yaon, mayroong hindi naging maingat.
Pumitlag ang kable at dalawang bisig ang halos nawalat mula sa kanilang kasukasuan.
Sa apatnapung mata ay apatnapung kulay ng sindak at pagkatakot ang nalarawan.
Tatlong putol-putol na babala! Uli! At uli! At uli!
Panganib! Panganib! Ihinto ang lahat ng makina!
Humampas ang kable at naluray ang isang bungong nagkalat ng pira-pirasong utak sa lapag ng ikiran.
Huminto ang lahat ng makina. Nagsiki ang lahat sa katahimikan. Ang buong kahabaan ng kableng wari’y naubusang bigla ng lakas ay maamong nabitin ay ngayo’y wala nang panganib.
Nakita ni Korbo ang pagpitlag niyong kable. Nang ihampas ang buong kahabaan niyon ay namalas niya ang parang kidlat na pagdating na tungo sa kanya.
At sa loob ng isang iglap n yaon mula sa pagpitlag hanggang sa madama ang diin ay isa-isang nabuklat sa kanyang utak ang buhay nila ni Karelia.


At ang larawan ng buhay na yaon ay abot-langit n pagtutol ng kanyang kaluluwa.
Huwag! Hintay, Maginoong kable! Tinagnan kung ito’y marpat, kung ito’y may katarungan.
Sa paglubog ng araw ay parang napupunit ang buong ng-aapoy na kalangitan.
Natigil ang buong daigdig: ang malalaking tipak ng alapaap. Ang mga halaman. Ang tahimik na dagat na inuulit na salamin ng kanyang kalawakan ang paghihimagsik ng langit.
Naabutan na ni Korbo si Karelia sa kanilang tipanan. Nakaupo ito sa isang malaking bato at minamalas ang maliliit na along gumagapang sa buhanginan.
Nang masdan niya ang mukha niyon ay nakita niya ang lunkot at nabakas niya ang ilang pinahid na luha.
Umupo siya sa tabi ni Karelia at minalas ang nagbabagang araw na kumakabila na sa maitim na bundok sa dako pa roon ng malawak na tubig.
“Kung gayo’y alam mo na,” ang kanyang sabi. “hindi ako natanggap sa pagawaang itinuro mo sa akin. Totoong marami ang walang hanapbuhay. Kayrami naming pumasok gayong isa lamang ang kailangan”
“Hindi ko alm,” ang sabi ni Karelia. “Nguni’t alam kong wala kang loob sa gayong Gawain. Alam kong nasa pagpipinta ang iyong isip. Inaalaala ko na unti-unti mo lamang ngangatngatin ang iyong puso kapag natanggap ka sa gawaing yaon.”
“A, nagalit ka na sa akin, Karelia, gayong hindi ko naman kasalanan ang pagiging pintor ko. Kasalanan bang makadama at makakita ng kagandahan at ibigin ng buo kong pagkatao na iguhit yaon upang Makita at madama naman ng iba? At kung tinatawanan man ng marami ang gayong gawain sapagka’t hindi ko maibibili ng bigas ay hindi nangangahulugang nasa kanila ang katotohanan. Kung ang bigas ang ituturing ngayong pinakamahalagang bagay, iyan ay hindi bunga ng katunayan kundi ng laganap na karalitaang dulot ng tinatawag nating kaunlaran. Ang kagandahan ay isa sa mga halagang niwawalan natin ng kahulugan. Ang pag-ibig ay isa pa.”
Siya’y napatawa.
“A, nagsesermon na naman ako. Ikaw kasi. Sinalang mo na naman ang kinagigiliwan kong diwa”
Unti-uting nawawala ang mapulang araw.
“Korbo,” ang sabi ni Karelia “natatakot akong hindi sapat ang pagakain ng aking kapatid. Si Pepe ay may-sakit na naman. Tanong maliit ang naitutulong ko sa kanila. Ang Tatay ay nawaln na naman ng gawain.”
Maliit na bahagi na lamang ang nakaungos sa araw.
“Korbo,” ang sabi ni Karelia. “dalawang taon nang tayo ay magkatipan. Kilala mo si Dando. Nagtapat siya ng pag-ibig sa akin.”
Lubusan nang lumubog ang araw sa unti-unting lumalaganap ang dilim.
“Iniibig mo bas a Dando?” ang tanong ni Korbo.
Sa kaunting banaag ng liwanang na nalalabi pa ah namalas niya ang paglaganap ng dugo sa maliit na ugat ng mga pisngi ni Karelia.
“May sapat na kakayahang tumulong sa aking mga kapatid si Dando,”ang sabi ni Karelia.
“May sapat na kakayhaang mag-asawa si dando.”
Nadama ni Korbo ang sampal na sagot sa sampal na tanong niya.
“Laganap na ang dilim,” ang sabi ni korbo. “baka inaantay ka na ihahatid na kita.”
“Huwag na. Magtatrambiya na lamang ako” ang sabi ni Karelia.


Isang iglap sa pagitan ng buhay at kamatayan. At ang dahon ng alaala ay matulin at baha-bahaging nabuklat sa kanyang utak.
Nang mawala si Karelia ay waring nawalan ng kahulugan sa kanya ang buhay. Waring namanhid ang kanyang pandamdam. Nawala ng kagandahan sa kanyang daigdig.
Ang mga bulaklak ay hindi na mga tainmtim na panalangin. Ang mga kislap ng bituin na ulit-ulit na pagtatapat ng pagibig.
Ang damit sa huli niyang kuwadro ay naluma sa taguan na di nakadama ng isa mang kulay sa guhit ng pinsel.

Matulin ang agos na malinaw sa tubig na kumikislap sa mga batuhan sa tiyan ng mababaw na ilog.
Isang babae ang naglalaba sa tabi nito. Nakilala ni Korbo si Karelia.
Sa pampang sa lilim ng mga kawayan ay saglit-saglit na inaabot ng tanaw ni Karelia ang isang papag ng batang may kulong at tinutulungan ng isang pasusuhin.
Nilipat ni Korbo ang papag at maluwat at pinagmalas ang nakawiwiling natutulog na sanggol. nang balingan niyang muli ng tanaw si Karelia ay nakita niyang nakatigil ito sa paglalaba at matamang nakatitig sa kanya na waring ayaw pang maniwala na siya ay naroroon.
Nakangiting lumapit siya kay Karelia. Umupo siya sa isang bato, inalis ang kanyang balanggot at pinahid ng panyo ang pawis ng kanyang noo.
“Napakalayo naman sa bayan ang inyo ng nayon,” ang sabi ni Korbo. “Napagod ako sa kakahanap.”
Pinagmasdan niya ang kanyang mga sapatos na namumuti sa alikabok. Maybutas na ang swelas ng isa niyon. Itinapak niya upang di makita ni Karelia.
“Paano mong natutuhan ito?” tanong ni Karelia. Nakita ni Korbong hindi nalingid kay Karelia ang inililihim niyang ssira ng kanyang sapatos.
“Itinuro sa akin ng iyong kapatid ,” ang kanyang sabi.
Ibig niya ang mga mata ni Karelia. Malalim at mahiwaga ang mga itim niyon.
“Nang mabalitaan kong ikinasal si Dando ay pinuntahan kita,” ang sabi ni Korbo. “Ang sabi ng iyong kapatid ay sinaktan ka at pinalayas ng iyong ama.”
“Sumulat ako sa iyo makailang araw na tayo ay magkagalit,” ang sabi ni Karelia. “Tumungo ako sa inyong tinitirahan. Lumipat ka na at hindi mo raw sinabi kung saan.”
“Pumasok akong manggagawa sa bapor na nag-aayos ng kable sa Bisaya at Mindanaw. Sa kapaguran ng aking mga laman at katawan ay naari kong limutin ang aking mga alaala.”
“Sa aking sulat ay sinabi ko na may mga sandal, kung tayo ay magkakasama, na wari bang nakasisilip ako ng kaunting banaag ng kahulugan ng buhay,” ang sabi ni Karelia na tila ibig tawanan ang kanyang alaala. “Sinabi ko sa mga sandaling yaon ay napupuno ako ng damdaming ang buhay ay may halaga lamang sapagka’t ikaw ay naroroon.”
Patulooy ang pagkusot ni Karelia sa damit na nilalabhan. Matingkad ngayon ang kulay ng kanyang mga pisngi. Sa nalaylay na liig ng kanyang baro ay nakalabas ang kanyang balikat na pinamumula ng sikat ng araw.
Halos hindi na maabot ni Korbo sa alaala ang bahagi ng kanyang buhay na hindi kinaroroonan ni Karelia. Sa palagay niya ay nangyari yaon bago pa nilalang ang daigdig.
Sa wari niya ay simula pa lamang noon ng daidig nang may isang dalagang lumapit sa kanyang pagpipinta at nagugulumihan ng nagmasid sa iginuguhit ng kanyang pinsel.
Nasa isang ilang siya noon. At ang dalaga ay hininuha niyang kasama sa isang piknik.
Pagkatapos ng matagal at pilit na pag-unawa sa kanyang kwadro ay bumaling sa kanya ang dalagang nagingiti.
“Ang kawayanan po bang yaon ang inyong pinipinta?”
“A, nahulaan din ninyo sa wakas,” ang sabi niyang tumatawa.
“Patawarin ninyo po ako,” ang sabu, “Ngunit bahagya nang makilala ang inyong mga kawayan at ang namamayani sa inyong kuwadro ay ang mahihiwagang kulay na pilit ko mang wariin ay hindi ko makita sa mga puno ng kawayan yaon.”
Lalong natuwa ang kanyang kalooban.
“A, kung kayo lamang ang maaaring lumagay sa kinalalagyan ko ngayon at Makita at maipinta ang pilak ng kislap at lalim ng itim ng inyong mga mata, ang rosas ng inyong mga pisngi at ang pula ng inyong mga labi, ay di maniniwala n asana kayong ang kulay pala ay may sariling wika na nauunawaan ng puso.”
Tumawa ang dalaga.
“Ang nauunawaan ko lamang ay ang ibang-iba at kakatuwang paraan ninyo sa pagsasabing maganda ang isang dalaga.”
Nagsabat ang tunog ng kanilang halkhak.
Umiyak ang sanggol sa tulugan nito sa lilim ng mga kawayan sa pampang.
Iniwan ni Karelia ang kanyang nilalabhan at pinuntahan ang sanggol.
Binuhat at idinuyan sa kanyang mga bisig. Ngunit hindi tumigil iyon sa pag-iyak.
Sumunod si Korbo at hiningi ang sanggol kay Karelia.
“Bayaan mo ako,” ang kanyang sabing nakangiti at inabot ang sanggol.
Ibinigay ni Karelia at tumigil naman yaon nang mahimlay sa lalong malalaking bisig ni Korbo. At tuluyan nang natulog na muli.
“Alis na muli ang aming bapor sa linggong darating,” ang marahan niyang sabi upang di magising ang dala niyang sanggol na di iniiwan ng kanyang tingin. “May inupahan akong bahay sa Maynila. Kung maghahanda ka ngayon ay aabot tayo roon bago dumilim. Bukas ay maari tayong pakasal.”
Isang iglap lamang ang pagitan ng buhay at kamatayan. Sa loob ng isang iglap ay maaari kayang danasing muli ang buong buhay ng isang kinapal?
At sa bawat tilamsik ng sumambulat na utak ay maaari kayang piliin at pag-ugnay-ugnayin ang mga nagsasabi ng lungkot at ang mga nagsasabi ng ligaya upang sa nabuong larawan ay mabasa ang kahulugan ng buhay?
Sa kalat na mga utak ay napasama ang isang kuwintas nag into na may palawit na maliit at mahiwagang Bathala. Madidilat ang malalaking mata nito na wari bagang ibig sakupin sa isang titig lamang ang lahat ng makikita sa buong santinakpan.